Saturday, May 14, 2011

Hinagpis ni Elsa

Another good FB friend, Ann Abunda, posted this. I want to share it with you as this tackles reality. Sad reality.
&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&

Maraming realidad ng buhay ang indi na naisusulat,di na rin pinag uusapan,mga bagay na kala ng ilan ay imposibleng mangyari,pero sa totoo lang nangyayari at mangyayari pa sa mga darating na panahon..wag na sana!!!

Ako si Elsa,isang OFW sa kuwait,galing sa mahirap na pamilya,nagtitinda ng sigarilyo sa bangketa ang mga magulang ko,panganay sa 7 magkakapatid,nakapagtapos naman ako sa sariling kayod,pero dahil sa kahirapan ng buhay di ko na kayang antayin ung sinasabi nilang "break" sa trabaho,dahil di sapat un sa pangangailangan ng pamilya ko:pagkain,ilaw,tubig,damit,edukasyon at marami pang iba..kaya nagpasya akong mag abroad..

destinasyon:KUWAIT

trabaho:DOMESTIC HELPER

Pero sympre dahil nakatapos ako,di madaling sabihin sa ibang tao o kapamilya ko na nag apply ako bilang katulong sa kuwait,konting yabang siyempre,di bali pagnakapag abroad naman ako at makaipon,magtatanong pa ba sila kung ano ang naging trabaho ko?Cguro hinda na,o kung oo naman,madali na lang magsinungaling..

Taong 2002 ng dumating ako dito sa kuwait,december ang lamig,nanginginig ako,di ko alam kung takot ba yun dahil di ko alam kung anong kapalaran ang nag aantay sakin sa bansang eto,takot o sadyang malamig lang talaga.

Tuwang tuwa ako ng makitang ang dami rin palang mga kababayan dito sa kuwait,sa airport palang naglipana ang mga kababayan,merong magagara ang damit-saleslady,nakauniporme,merong mga cleaner at maraming kagaya namin,nag iisip kung anong buhay ang tatahakin namin dito???

Dumating ang sundo namin,Arabo.typical na arabo ang itsura,nakasoot ng mahabang puting damit(disdasya)me talukbong sa ulo na puting tela(katra) at mahaba ang balbas,typical na arabo..parang gutom sa babae.

Dinala kami sa accommodation,para magpahinga,para daw kinabukasan magpapamedical na at magrereport sa agency.

Nangdalhin kami sa agency,laking tuwa namin,me sekretarya silang kababayan,napalagay agad loob namin,sympre kababayan eh.

Ganito pala ang estilo ng pagkuha ng katulong sa agency,akala kasi namin ung pangalan na nasa visa sila na ung magiging amo namin,hindi pala!Mali kami!para pala kaming mga tao taohan(hindi tao parang hayop) lang na ibebenta sa mga naghahanap ng katulong,na bawat me papasok na kuwaiti eh lalabas kami,nakalinya at parang mga isdang kikilatisin.Sobrang nakakababa ng pagkatao.Sabi ng sekretaryang kabayan,magmukha kayong tanga at mabait,dahil un ang gusto ng mga kuwaiting amo,dahil sayang daw ung araw na pagstay namin sa agency,wala pang sahod un,magstart lang ang sahod pagmakuha na kami ng amo.tsk tsk tsk..mali na naman ang akala namin.

so un ang ginawa namin,sinuwerte naman ako o sadyang mukha lang akong tanga at mabait kaya ako ang unang nakuha.

Ang gara ng bahay ng amo ko,pero sabi nila normal pa daw un,di pa mayaman,aircon hanggang kusina,di pa ba mayaman un?daming trabaho agad,pinaglinis ako,pinagbrush ng carpet,pinatulong sa kusina..eh ano pa ba ang inaasahan ko,eh katulong nga ang trabaho ko dito(un na lang ang nasabi ko sa isip ko).

Sa unang gabi ko palang,iba na agad ang tingin sa akin ng amo kong lalake,me pagnanasa ba,di naman ako nagbibigay ng malisya,pero natatakot ako! makalipas ang ilang buwan,lalong tumindi ang mga mga pinapakitang pagnanasa ng amo ko,umiiwas ako,pero tila naghahanap lang sya ng tiyempo para macorner ako,hanggang nangyari nga isang gabi,wala ung amo kong babae at mga anak nya,kami lang ng amo kong lalake,pinagtangkaan nya akong halayin,nanlaban ako at napokpok ko sya ng tubo,sa takot ko na baka makulong ako,tumakbo ako sa agency,para humingi ng tulong sa kanila,imbis na tulong ang ibigay sa akin, binogbog pa ako mismo ng me ari ng agency at ng secretarya,nagrason ako,sabi ko sa sekretarya "kabayan,sinaktan at inabuso na nga ako sa bahay ng amo ko,pumunta ako dito sa inyo para sana humingi ng tulong,tapos ganito rin pala ang mapapala ko,sino at kanino ba kami dapat lumapit?"sampal ang sagot ng sekretarya,makalipas ang ilang oras,me dalawang pulis na pumunta sa opisina,binaliktad ng amo ko ang pangyayari,nahuli nya raw akong nagnakaw ng pera,kaya sa takot ko pinokpok ko sya?ano mang pagmamakaawa gawin ko,wala na akong magawa,ano mang sabihin ko di rin nila pinapakinggan.

Nang dumating ako sa police station,maayos naman sila,pero niyakap ako ng matinding takot,takot kung anong kapalaran ang nag aantay sa akin sa loob,uso daw ang panghahalay sa loob ng police station,ginagawang parausan ng mga police ang mga detainees,lalong lalo na ang mga pinay.Pero higit sa lahat mas iniisip ko ung mga taong naiwan ko sa pinas.Paano na ung mga pangako ko sa knila na mabigyan ng magandang buhay,gayong nakabilanggo ako dito.Hindi ko sasabihin kanino man an naging kapalaran ko dito,para di sila mag alala.Kailangan kong makalabas dito.kailangan kong tuparin ang mga pangako ko,kailangan ko silang iahon,kailangan ko silang tulungan..kahit ano man ang kapalit ng mga yan.Paano? paano nga ba?

Biglang napansin ko ung isang kuwaiti na parang nagpapakita ng interest sa akin,nagpapakita na rin ako ng interest,baka eto na ung kasagutan sa problema ko.Nagkausap kami,nangako siya na tutulungan nya akong makalabas sa kulungan,kapalit ang aking sarili.Instant pokpok sa madaling sabi.Pumayag ako,ano nga naman ang mangyayari sa akin sa loob,baka mahatulan pa ako ng bitay(exagerrated)para sa isang taong ala namang alam sa batas nila.So pumayag ako,me tirahan syang kinuha,siya ang nagbabayad ng renta at pagkain ko,un lang daw ang kaya nyang ibigay sa akin.paano ang pamilya ko?Hinayaan ko siyang gamitin ako,gamitin hanggang sa magsawa sya,hanggang sa mapagod sya,tutal malaki ang pagkakautang ko sa kanya,at iyon ang kasunduan,kasunduan na di ko naman gusto o gugustuhin,naipit lang ako.Di naman ako pedeng magtrabaho sa labas dahil 20 visa ako,ang binayaran lang kasi ng kuwaiting un ay ung danyos ko dun sa dati kung amo at ng di na sila magfile ng kaso,di kasama ung paglilipat ng visa,at di basta bastang pera un,malaki..70T sa peso.

Nakakakilala ako ng mga kababayang nagbebenta ng aliw, na nakikisama din kahit kanino para lang me pangrenta,pangkain,pangpadala sa pinas,kadalasan ng mga parokyano nila eh mga arabo at mga americano,at iilang mga pinoy.Instant pokpok talaga ang nangyari sa akin,tsk tsk tsk.

Ganun ang sinuong kong buhay,nagpalipat lipat ng lalake,para makapadala ng pera sa pinas,pagnagtatanong sila kung kumusta ako,ang sagot ko..

"ok naman ako"

palaging ganun..pero sa totoo lang di ako ok,ni inisip di ko naisip na mangyayari ang mga bagay na eto sa akin.Na magpapakababa ako para lang sa pera at seguridad.,di ako pedeng umuwi ng pinas kasi nasa amo ko pa rin ang mga papeles ko,makukuha ko lang un pagnabayaran ko ang 70T na hinihingi nila.pero ano nga ba ang ibang paraan?

Nakikita nila ang mga picture ko sa facebook,ang galing ko,napaniwala ko sila na ang saya ko,na maganda ang kalagayan ko dito,na maayos ang buhay ko.Inisip ko na lang,nagpakababa na rin lang ako,sasagarin ko na,di ako uuwi hanggang di ko lubos na natutulungan ang pamilya ko sa pinas,Dito ako nadapa..Dito rin ako babangon...

Sa pagpalipat lipat ko ng lalake sa loob ng 5 taon,nakakakilala ako ng isang matandang kuwaiti,ok naman sya,sa isip ko lang..matutunan ko na rin sguro etong mahalin,pipilitin ko siyang mahalin.pero di pala ganun ang puso,di mo sya matuturuan kahit anong pilit mo.

Nagpakasal ako sa kanya,umaasa na siguro sa pamamagitan neto ay maiaahon ko ang sarili ko.pero nagkamali ako..pero atleast di na ako pangkaraniwang pokpok ngaun,isa na akong legal na pokpok(with conviction pa talaga)...pokpok na nakakulong pa rin!Nakakulong at di ko pa rin alam kung kailan lalaya...higit na mahirap ang kalagayan ko ngaun,nakatali sa taong di mo naman talaga mahal,at ang natatanging rason lang para mahalin sya ay ang binigyan nya ako ng desenting buhay,di man disente ang pakikitungo nya sa akin,ok na rin..disente naman sa tingin ng mapanghusga at mapagkutyang mata ng kapwa..ang haba na ng biyahe ko sa bansang eto..lumalaban pa rin..at sa totoo lang di ko na rin alam kung ano ang pinaglalaban ko...

flashback.....

Sa tuwing tatanungin ako noon kung ano ba ang pangarap ko..simple lang din ang tugon ko...

"simpleng buhay,me asawa at anak..simpleng pamilya..nagmamahalan..kahit di naman nakakaangat sa buhay ang importante MASAYA kami at magkakasama..."sad to say...di ko na ata mararanasan un...di na...

No comments: