Tuesday, February 22, 2011

Inadobong Labi (Marinated Lips)

Something just tickled my mind and posted this on facebook.

naalala ko matamis mong ngiti
ang mapula at mainit na labi
na ang bawat dampi
ay init sa malamig na gabi

I knew I would draw reactions from friends who would always check on me.

Tyche Joy:
Ehem......lol

That's the divine virgin moooooo...

Fidelity Benedict: 
tubig at langis.... itarak man sa init di rin lalamig... gwahaha!

I didn't know what to say... so I just laughed

Bing Divina:    
Bwahahahaha

But wait... Melai, my sweet li'l Sis from Dubai was also smitten by the bait...

Melanie Peñalosa:
aanhin mo ang maiinit na labi
kung puro kasinungliangan ang na mumutawi
mainam pang ikay walang katabi
basta't ikay walang sakit sa ulo pag-gabi
...*wink*

and there goes Kuya Bob....

Bob Nieva:            
Kahit mapula o maputlang labi 
basta ang gusto ko ay laging napapakagat labi o  
di kaya laging nakakagat ng labi...lol!

The rhymes started to pour in...

Fidelity Benedict:
aanhin q ang matamis mong ngiti
kung pagdating ng araw ito'y mangingiwi?
sa dala mong bagyo at dalamhati
di bale ng bungi, puso q naman ay di tatabingi!!!
**Harharhar

Bing Divina:        
dalamhati man ang dala ng aking mga ngiti
aminin mong kahit paano ito'y nakakapawi
ng hinagpis ng puso, nangigiliti
nagpapasaya sa'yo kahit sandali

Melanie Peñalosa: 
aanhin mo ang panandaliang ngiti
kung kapalit nito'y sakit na di mawari
pusong sugatan ang maiiwang saksi
sa sugat na dulot ng panandaliang kiliti

Tyche Joy:             
Nassan ba ang mga sinasabi mong labi
Hanggang ngayon ako ay nagdadalamhati
Siguro ako ay isinilang na sawi
Hindi nararapat makamtan damdaming masidhi
...Bwahahahahaha!!!! Mooooooooooooooo!!!

Fidelity Benedict: 
kiliti nga ba ang hanap ng labi?
o pagmamahal na walang pasubali?
anu't-ano pa man ang bakasakali
pusong nagmamahal ay di malilimi
basta't ang hayag nia ay matamis na ngiti :-)

and this one started the twist:

Bob Nieva:          
Ibat ibang uri ng labi ibat iba rin ang dampi.
Ngunit sa lahat ng uri pinakamasarap ang inadobong labi.... LOL!

Tyche Joy:     
Panira ka nang concentration Kuya Bob! Nakapay ako kakakalaka jan sa inadobong labi mo. ahahha!

Fidelity Benedict: 
Inadobo mong labi,
Maalat ang kiliti!
Maanong mantika iyong "i-titi"
Para labi mo'y di masyadong dudulas ang kanyang hitit!
LOL!!!

Bing Divina:        
bwahahaha... kapay na ako... mapapaknit awong ko kakangisi dawa solo

I went nuts... I could not help but laugh my heart out...

Bob Nieva:          
@Joy... Ayo ka sana narumduman na ang labi ay pwedeng adobon... LOL!

Tyche Joy:            
Masarap man ang labing flavored adobo
Kung wala namang pagmamahal ang humahalik sayo
Para kang humahalik sa semento
Malamig at lahat lang sebo.
Har! Har!

Fidelity Benedict:
Di kaya ang sebo ng labing inadobo
Ay galing sa condom na pinamudmod ng DOH
noong araw ng mga fushoooo?
Hak Hak Hak Hak!

You might wonder where the condom idea came from. You see, early in the morning, we were talking intellectually about the Reproductive Health Bill, its significance, etc...

Bob Nieva:        
Lintek na adobong labi.
Ang bilis sumikat kakalipas lang ng ilang sandali... Hahaha

Bing Divina:      
mukhang masarap ang lasa ng labing inadobo
naglalaban ang asim ng suka at alat ng toyo
kung ganyan ang lasa ng labing hahalik sayo
isusuka mo ba o nanamnamin mo?

Tyche Joy:         
Kuya Bob, sa kamaturan ayu talaga ako narurumduman na ngelina Jolie lips pero ukon an para sakun. Di ko man pwedeng sabiyon ta tibad magunutan ako. Bwahahahaha!!!!

Tyche Joy:         
Paksiw na sana ngani! Bai na san adobo ta ma-highblood kita san!! Bwahahahaa!

Fidelity Benedict: 
@@ Turunuuuuuuung ... nyahahaaa!

Hmmmm... and this astounded us:

Elmor Alfelor:      
mainit-init kong katawan
            pag inyong natikman
para kayong dinuduyan
sa kalangitan

What the heck was that?!!!

Tyche Joy:            
Oh my God!!! Nabuhay si Machete sa itaas. LOL

Fidelity Benedict:
Mukhang pababa ng pababa,
Sa labi lahat nagsimula..
Kalaunan nag bago ng mukha
labing nakangiti ngaun katawang nanggagalaiti?
**Waaahahahahaaa!!!

See their reaction?

Elmor Alfelor:    
hindi lahat sa labi ang sarap
mayroon sa ibaba
mayron sa itaas
sa likod at sa harap
pero ang pinakagusto ko ay lahat..lol

what is happening here? I need to do something...

Bing Divina:      
mainit na katawan ang iyong natikman
nagmamantika nasa iyong harapan
kutsara't tinidor ating gamitan
kainin na ang hotdog sa hapag kainan

Oopppssss.... why did I use the word hotdog? So silly of me...

Elmor Alfelor:  
salamat sa pagkain
ng hotdog kong niluto
iyong nagustuhan
kaya ang mga mata
ko'y tuwang-tuwa

Bing Divina:     
tapos na ang kuwento ng mapulang labi
na ginawa ni Kuya Bob comedy
sumali si Melai, si Tyche at si Fidelity
lumihis ng konti sa may utak na berde
sorry kay elmor, siya ay medyo nahuli.

And who said Elmor was late? Please understand Sher as there is a 12-hour difference between Phils and her timezone...

Sher Briones:  
Ang kanyang labi na aking iniwan
Dasal ko`y walang tumikim kahit panandalian
tuyo man o mamantika`y aking babalikan
para punuan ang aking pagkukulang.
...Ako`y palaging huli sa inyong talakayan
Subalit namumutawi sa labi ko`y inyong mga pangalan
Puso ko`y nalulungkot ako ay tinanggihan
Maging kaibigan ng isang babaeng ubod din ng kagalingan.

Hey, what was that? hmmmm...

Bing Divina:   
sino ang babaeng tumangging ika'y maging kaibigan?
sumbong sa bunso, aking susugurin at tatawanan
isang pagkakamali, baka di niya nalalaman
ang maging kaibigan ka'y isang malaking karangalan

Hahahaha. She did not reject the FR, Ate She. She was just too busy with her mafia. No issues here. Peace... I love you all…

2 comments:

Anonymous said...

hahahaha!!! mga adik kayo ate bing! ang kulettt!!! nyahaha :)

Anonymous said...

idea b yan ng mga loveless

o ng mga nakakamiss....
well, funny! hehehe!