Monday, June 14, 2010

Balik Aral 101: Ang Alpabetong Pilipino

Masyado na tayong westernized. Hindi masama na maging magaling tayo sa salitang Ingles. Iyan ay isang bagay na kaya kong ipagmalaki sa mundo... magaling ang mga Pilipino sa wiksang Ingles, n kahit isang paslit ay kayang makipagusap sa mga dayuhan. Malayong malayo kung ikukumpara sa ating mga karatig bansa. Sa Singapore halimbawa na, madalas akong mainis sa mga simpleng tanong na Ingles kung saan ang isang tindahan, kung anong oras na tpos hindi masagot ng mga lokal. Sa Pilipinas, kahit batang kalye, kapag tinanong mo ng Ingles, kumpiyansa silang sumagot ng Ingles din. Kaya nilang magbigay ng simpleng direksiyon sa mga dayuhan naliligaw.

Hindi masama na marunong tayong mag Ingles. Ngunit huwag naman sana nating hayaang maging katawa tawa tayo na hindi na natin alam at naiintindihan ang balarilang Filipino. We become so focused on the English grammar that we have disregarded ours.

Sabi ko nga, back to basics... Sabayan natin si Florante sa kantang ito...


No comments: