Friday, June 10, 2011

Malaya na nga ba ang Pilipinas?



&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&&

Mahigit isang daang taon na ang nakalilipas nang unang iwagayway ang watawan ng Pilipinas sa bahay ni EmiliO Aguinaldo sa Kawit, Cavite. Isang pangyayaring ipinagbunyi ng mga Pilipino. Isang pagpapatunay na malaya na ang Pilipinas sa pananakop ng mga dayuhan. Salamat sa mga Katipunerong nakipaglaban sa mga mananakop. Salamat sa mga bayaning kayang ibuwis ang buhay para sa ating Inang Bayan.

Makalipas ang 113 taon, malaya nga ba tayo?


Marahil, bilang isang republika, isang bansa, malaya tayo. Walang sumasakop.

Subalit ating igala ang ating paningin. Saan mang dako ng Pilipinas... ano ang ating makikita? Mga kababayan nating naghihirap at inaalila ng mga kapitalistang dayuhan. Isang masakit na katotohanan. Nasaan ang kalayaan? Gayung tayong mga Pinoy an alipin sa ating sariling bayan.

Tingnan natin ang mga kabataan. Pilipino pa ba sila? Marahil, mamamayang Pinoy. Ngunit tingnan natin ang kanilang kilos... animo'y Kano. Pakinggan mo silang magsalita... punk na punk. Yan ba ang Pinoy?

Masyado nang malawak ang impluwensiya ng ibang bansa. Nawawalan na tayo ng pagkakakilanlan. Ano na ang nangyari sa kulturang Pilipino? Hindi na napapagyaman. Nakakalungkot isipin na baka dumating ang araw tanging wikang Filipino na lamang ang ating pagkakakilanlan.

Sikat ang Pinoy sa buong mundo. Sa maraming bagay, masama man o mabuti. Marami ang humahanga sa Pinoy. Magagaling tayo. Ngunit saan natin nagagamit ang ating kagalingan? sa ibang bansa. Sa Pilipinas, nagagawa ba natin yan, hindi.

Nakakalungkot isipin na maaming Pinoy ang kailangang mangibang bansa para umunlan ang estado nga pamumuhay. Ang mga OFW, nagtitiis sa malayong lugar, nagtitiis sa pang-aalila ng dayuhan. Wala silang magawa. Kailangang magtiis. kailangang kumita para sa pamilya sa Pinas.

Walang pinagkaiba. Sa Pinas man o sa ibang bansa, alipin pa rin tayo ng kapitalistang dayuhan. Yan ba ang bansang malaya?

2 comments:

[Broken Princess] said...

I want to join sana yung sa Sorsogon United... pwede pa ba?

[Broken Princess] said...

HI!
pwde pa po ba mag pass ng article for Sorsogon United?