Saturday, October 31, 2009

Para sa Mahal ko

I came across this poem by a UP professor. Natuwa ako sa tula. I-share ko sainyo. I am not sure though if this is exactly how it goes. To Prof. Antonio, sorry but I tried to get a copy of the poem but to no avail.

%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%


KAPE

Lilia F. Antonio

Ang gusto kong timpla ng kape, Mahal
Isang kutsarang kape,
Isang kutsarang asukal,
Isang kutsarang gatas
Sa isang puswelo ng bagong kulong tubig.

Sana ganyan ang relasyon natin, Mahal
Uuwi ka sa tamang oras
Kumpleto mong ibibigay ang iyong sahod
Sa ganitong relasyon
Sino ang llamado, sino ang dehado?


%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%%

Para sa Mahal ko
(in reference to the poem by Prof. Antonio)

Basahin mo, Mahal, ang tula ng propesor
Inihahalintulad sa kape ang timpla ng relasyon
Isang relasyong maalab, mainit
Ang pait ay natatalo ng tamis ng pagibig

Basahin mo, Mahal, sana ganun tayo
Isang maayos na relasyon, yan ang nais ko
Tamang timpla ng relasyon, pang habang panahon

Sa’yo na ang sahod mo, may tabaho din naman ako
Sapat na sa akin ang umuwi ka dito sa piling ko
Hindi ako martir, nagmamahal lang ako.

No comments: